Thursday, February 18, 2010

Isang Katawan

I
Tayo’y isang katawan
Sa harapan ng maykapal
Hinubog ng kanyang palad
Upang maging kagalakan
May isang Diyos na may layunin
At may utos na dapat sundin
Magmahalan, Magpatawaran
Bunga nga pag-ibig,
Diyos ang pinagmulan (Repeat 2x)


Chorus
I-abot mo ang iyong kamay
Kapit-bisig sa pagkakaisa
Kung may tampuhan man
O kaya’y may alitan
Tapusin na, Limutin na
Tayo’y magkakaisa.

II
Pagka’t ngayon ang panahun
Ng pagsama-sama
Sino ka man, Saan ka man
Di na ito mahalaga
Magmahalan, magpatawaran
Bunga ng pag-ibig
Diyos ang pinagmulan

(Repeat Chorus)


No comments:

Post a Comment